Sunday, October 17, 2004

BLOGGING BLUES

Nakakatawa ang mga tagboard ng blogs. Kasi halos lahat ng mga taong nagko-comment, pag ni-drag mo yung pointer sa name nila, agad mag-iilaw, senyales na may link sa sarili nilang blog. Ikaw naman, click ka para makapunta dun.

I guess it's because people, at one time or another, want to be known, to leave traces of themselves. We want people to go to our blogs and read our posts and make comments. We include our links in our email signatures and friendster accounts.

Pero minsan hindi ko alam kung alin ang mas maganda, yung may nakakabasa ng blog mo, o yung wala. A friend who's starting his own blog asked me recently kung ia-announce ba niya ang blog niya o magiging anonymous na lang siya. Sabi ko, depende sa kanya. At sa mga espesyal na siwasyon, depende rin sa content.

Gusto ba niyang malaman ng tao ang lahat ng saloobin niya? O sasabihin lang niya ang sa tingin niyang kakayaning basahin ng mga tao?

Para saan nga ba ang blog? Nag-blog ako kasi I wanted to write. I wanted to record my thoughts. Not really my daily activities, just thoughts. I wanted to be honest with myself. I also want my friends to know what I'm thinking.

I posted an entry about two days ago. It was short, honest. Too honest. I deleted it a few hours later. Napraning ako, feeling ko mababasa yung entry ng taong hindi dapat makabasa nun. E nakabalandra nga kasi sa email at friendster ko ang blog addy ko. Funny thing is, I chose to erase the entry, not my blog address. Tanginang vanity.

The problem with a lot of bloggers is that they become slaves to the people who read their blogs. Kagagaling ko lang sa blog ni lagsh; nag-quit na pala siya sa blogging. Gusto na niya i-separate ang blog persona niya sa tunay niyang pagkatao. Kasi hindi pala magkapareho.

Pucha, ayoko maging ganun. I want to write for myself.

Tatanggalin ko na siguro yung addy ko sa email and friendster.

Hmm, wait, isipin ko.

No comments: